Credits
PERFORMING ARTISTS
Jason Marvin
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Jason Marvin
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Jason Marvin
Producer
Nick Lazaro
Producer
Lyrics
Ito ang unang Pasko
Na wala ka sa piling ko
Nakakapanibagong
Hindi na marinig ang boses mo
Oh, kanino tatakbo 'pag ako'y natatakot?
Oh, kanino sasandal 'pag ako'y napapagod?
Tanging ikaw ang hangad, makasama ka lang
Oh, sana'y mapagbigyan na mayakap kita
Kahit saglit sa Pasko, 'yan lang ang hanap ko
Sana'y nakikita mong lumalaban ako
Magtatagpo muli, pero sa ngayon
Maligayang Pasko sa langit
Maligayang Pasko sa langit
Pa'nong muling bumangon
Kung ikaw lang ang aking mundo?
Ikaw ang aking ilaw
Ang aking tahanan, kahit nasa'n pa man
Oh, kanino tatakbo 'pag ako'y natatakot?
Oh, kanino sasandal 'pag ako'y napapagod?
Tanging ikaw ang hangad makasama ka lang
Oh, sana'y mapagbigyan na mayakap kita
Kahit saglit sa Pasko, 'yan lang ang hanap ko
Sana'y nakikita mong lumalaban ako
Magtatagpo muli, pero sa ngayon
Maligayang Pasko sa langit
Maligayang Pasko sa langit
Oh, kailan mawawala
Hirap at mga luha?
Oh, kailan matututunan
Na hindi na masaktan?
Tanging pangako sa 'yo, 'di magpapatalo
Sa lungkot at pagsubok ay lalaban ako
Baon ko ang tapang mo, lahat ng payo mo
Ay isasabuhay ko mga nakita sa 'yo
Magtatagpo muli, pero sa ngayon
Maligayang Pasko sa langit
Maligayang Pasko sa langit
Maligayang Pasko sa langit
Lyrics powered by www.musixmatch.com