Lyrics
Meron akong natutunan
Sa gitna ng aking kalungkutan
Wala pala sa pera'ng kayamanan
Wala rin ito sa kasikatan
Hindi pala sa tao nanggagaling
Ang aking halaga at layunin
Hindi pala trabaho'ng magsasabi
Kung pano mo ko dapat respetuhin
Ang sakit na 'yong nadarama
Ang siyang magiging lakas
Lahat ng bagyo ay lumilisan
Lahat ng pagsubok ay merong dahilan
At kahit na tayo ay nahirapan
Lumabas tayong may natutunan
Kaya salamat pa rin
Sa mga pagsubok na dumaan sa akin
(Salamat) pa rin
Sa mga kayamanang binigay mo sa akin
Naka tsinelas lang ang bilyonaryo
Naka t-shirt lang ang tunay na gwapo
Hindi mo na kailangan pang ikwento
Ang panig mo sa lahat ng chismoso
Ang takot na 'yong nadarama
Ang siyang magiging tapang
Lahat ng bagyo ay lumilisan
Lahat ng pagsubok ay merong dahilan
At kahit na tayo ay nahirapan
Lumabas tayong may natutunan
Kaya salamat pa rin
Sa mga pagsubok na dumaan sa akin
(Salamat) pa rin
Sa mga kayamanang binigay mo sa akin
Kaya salamat pa rin
Kaya salamat pa rin
Kaya salamat pa rin
Writer(s): Jason Marvin Hernandez
Lyrics powered by www.musixmatch.com