Credits
PERFORMING ARTISTS
J Brothers
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Renefred Comprendio
Composer
Jay Jimenez
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
J Brothers
Producer
Lyrics
(Hoy)
Pasaway, pasaway, pasaway (hoy)
Please walang away
Kumaway, kumaway, kumaway ('yan)
Lahat ng pasaway
Paggising sa umaga mga tao kandarapa sa lansangan
Nagmamadali, nagtiyatiyaga, naghahanap ng kaginhawaan
Subalit heto ka nakahiga't pikit mata, humihilik ka pa
Gumising ka, bumangon at maligo na kundi ay magsisisi ka
Huwag kang
Pasaway, pasaway, pasaway (hoy)
Please walang away
Kumaway, kumaway, kumaway ('yan)
Lahat ng pasaway
Pasaway, pasaway, pasaway (hoy)
Please walang away
Sumabay, sumayaw, sumabay ('yan)
Lahat ng pasaway
Ilang araw umiinom na para bang walang bukas na darating
Wala namang trabaho at wala pang ibang raket, may inaasikaso
Hindi mo man kayang tumulong, huwag dumagdag, paurong, bumangon ka
Hindi lahat ng bagay ay nahuhulog sa langit, magsikap ka
Huwag kang
Pasaway, pasaway, pasaway (hoy)
Please walang away
Kumaway, kumaway, kumaway ('yan)
Lahat ng pasaway
Pasaway, pasaway, pasaway (hoy)
Please walang away
Sumabay, sumayaw, sumabay ('yan)
Lahat ng pasaway
Matuto kang gumalang sa mga tao sa'yong paligid
Gumagabi na nga 'wag ka nang paligid-ligid
Ang iingay niyo pa at sadyang nakakaperwisyo
Bakit hindi na lang sa barangay magserbisyo?
Hindi mo na natutulungan ang iyong nanay (nanay)
Sumasama ka pa sa mga bisyo ng 'yong tatay (tatay)
'Wag nang maghintay na ikaw ay makaratay
Gumawa ng matino para ka umangat sa buhay
Ay bakit ba ang kilay mo ay nakataas?
Hindi mo ba matanggap na ika'y isang ungas?
Madali lang naman kung nais mong ika'y purihin
Ang nais mong gawin sa'yo, ang sa iba'y gawin
Bahala ka kung ayaw mo akong paniwalaan
Kapag huli na ang lahat makakaranasan
Ang pumasok sa iyong isip, ako'y pagtripan mo pa
Lumaban ka ng parehas ang kapal ng 'yong mukha
Pasaway, pasaway, pasaway (hoy)
Please walang away
Kumaway, kumaway, kumaway ('yan)
Lahat ng pasaway
Pasaway, pasaway, pasaway (hoy)
Please walang away
Sumabay, sumayaw, sumabay ('yan)
Lahat ng pasaway (hoy)
Lahat ng pasaway (hoy)
Lahat ng pasaway (hoy)
'Wag ng pasaway ('yan)
Writer(s): Jay Jimenez
Lyrics powered by www.musixmatch.com