Lyrics

Panginoong Hesus ako ay nakikiisa sa 'Yong walang hanggan at walang katapusang 'sangkatauhang pag-aalay. Iniaalay ko ang aking sarili sa bawat araw ng aking buhay At sa bawat sandali ng bawat araw ayon sa 'Yong pinaka banal at kagalang-galang na kalooban. Ikaw ang naging alay para sa 'king kaligtasan. Nais kong ako'y maging alay mg 'yong pag-ibig. Tanggapin Mo ang aking ninanasa Kunin Mo ang aking handog. Malugod Mong pakinggan ang aking hinaing. Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mamatay, Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mabuhay. Itulot Mong ang huling pintig ng aking puso ay maging tanda ng isang wagas na pag-ibig ng isang wagas na pag-ibig.
Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out