Lyrics
Hindi pa ba sapat o sabihin mo naman
Kesa mawala at wala nang matira
Sa alak mo nilunod ang kaluluwa
Yung saya sa damdamin, ba't naging kaba?
'di alam kung bakit sa totoo lang
Iniwan mo pa sakin ang iyong kagamitan
Ba't di mo pa sinabi, kesa tumagal?
Kala ko ba dati, tayong dalawa lang?
Pait pumalit sa pagibig mo sakin o baby
Hindi naman tayo ganito, bigla nalang nagkakagulo
Pano makakaalis sayo baby, kung lagi kang nasa paligid?
Kala mo ba sakin hilo? damdamin kong naghihingalo
Kaya sumagad
Para sana makalimot kaso lang
Pag lingon ko sa tabi ko ba't wala ka?
Inumaga nang hindi ka kasama
Nasagad
Ang pangalan mo sa isip tumatak
Bakit pa mananatili kung wala na
Sayonara
Hanapin mo sana
Kung alam mo lang
Ikaw ang pahinga
Tuwing nadarama yung parating na sakuna
Baby anong oras na?
Kita tayo mamaya?
Mga alas tres? papaalam lang saglit
Yung mga halik na hindi ko na mababalik
Bakit ba nagkaganito?
Hindi naman dapat ganito
Pwede bang magusap saglit
At baka lang sakaling gumana ulit
O di nalang siguro ano?
Para lang naman to sa'yo
Kaya sumagad
Para sana makalimot kaso lang
Pag lingon ko sa tabi ko ba't wala ka?
Inumaga nang hindi ka kasama
Nasagad
Ang pangalan mo sa isip tumatak
Bakit pa mananatili kung wala na
Sayonara
Hanapin mo sana
Ayaw ko na sanang marinig
Ang mga tinig mo naglalaro ulit
Saking isip parang palalim ng palalim
Mga alaala mo bumabalik ulit
'di narin gumana pang manhid
Sa mga bagay na gusto kong tanungin
Kaso baka di nalang kasi mas madali
Oo di nalang kasi mas madali
Lyrics powered by www.musixmatch.com