Featured In
Credits
PERFORMING ARTISTS
Adie
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Adrian Garcia
Songwriter
Franz Sacro
Arranger
PRODUCTION & ENGINEERING
Adrian Garcia
Producer
Franz Sacro
Producer
Lyrics
'Di ko alam kung saan ako nagkulang?
'Di ko alam
Sinubukan balik-balikan ang dating sayang alaala na lang
'Di kalaunan, nahanap ang tahanan mo sa piling ng iba
Hindi ba, pangako mo no'n na tayo lang?
May dulo pala ang walang hanggan
Sumisilip lagi sa araw-araw ang mga araw kung saan
Wala tayong pakialam sa ingay ng kapaligiran
Musika lang natin ang papakinggan
'Yung dating atin, 'di na kaya ng panalangin
Binubulong na lang sa hangin
Mga katagang "Mahal pa rin kita" kahit mayro'n ng iba
Ano pa ba 'king magagawa?
May dahilan pa ba para lumigaya?
Kung sa piling niya ika'y masaya
Ayoko na lang magsalita
Oh, Paraluman, ba't ka lumisan?
'Di na kita maaring madala sa paraiso
Palagi ka niya sanang ingatan
'Wag pagsawaan, 'wag ka ring pabayaan, isasayaw kita
Himig ng tadhana, hindi na tugma
Himig ng tadhana, hindi na tugma
Himig ng tadhana, hindi na tugma
Himig ng tadhana, hindi na tugma
Pinapalaya na kita
Tanggap ko na wala na talaga
Sana lang 'di ka nangako ng
Walang hanggang, iyong tandaan
Paraluman, sa 'yong paglisan
'Di na kita maaring madala sa paraiso
Palagi ka niya sanang ingatan
'Wag pagsawaan, 'wag ka rin pabayaan
Isasayaw kita sa panaginip na lang nga
Hmm-mm, paalam na
Writer(s): Adrian Garcia
Lyrics powered by www.musixmatch.com