Lyrics

Noo'y tinatanong pa lang kita kung sino siya Ang sabi mo, siya ay kaibigan lang At dahil nais kong umiwas ka sa kaniya Ang hirit mo agad, ika'y nasasakal Kaya hanggang ngayon, 'di maisawang magtaka Ako'y biglang iniwan mo't ikaw ngayo'y nasa piling niya At nakuha mo pang magalit Eh ikaw na nga itong nakasakit Sa dami ng aking mga tanong Sagot mo ay "bakit," "basta," at "ewan" Ang kapal mo naman at Nakuha mo pang magalit Nilihim mo sa akin ang lahat ng tungkol sa kaniya Akala ko sa akin ika'y tapat Kaya't kahit anong pagsisikap ang aking gawin Lahat ng 'yon, sadyang wala nang halaga Kaya hanggang ngayon 'di maiwasang magtaka Ako'y biglang iniwan mo't ikaw ngayo'y nasa piling niya At nakuha mo pang magalit Eh ikaw na nga itong nakasakit Sa dami ng aking mga tanong Sagot mo ay "bakit," "basta," at "ewan" Ang kapal mo naman at Nakuha mo pang magalit Ika'y hindi man lang nagpaliwanag Gusto ko lang naman malaman kung bakit Ako'y iniwan mo ng ganun-ganun na lang At nakuha mo pang magalit (magalit) Eh ikaw na nga itong nakasakit (nakasakit) Semento ba 'yang nasa 'yong mukha Ikaw pa ngayon ang nagwawala Oh, ang tigas mo naman at nakuha mo pang magalit
Writer(s): Marlon Barnuevo Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out