Top Songs By Cosine
Credits
PERFORMING ARTISTS
Cosine
Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Shareena Quitoras Tariga
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Shareena Quitoras Tariga
Producer
Choi Felipe
Mixing Engineer
Lyrics
Natatanaw mo ba ang mga tao sa labas
Mula sa 'yong bintana?
May ale na bumibigkas, ngumingingiti
Lumalalabas ang ngipin sa katatawa, ha-ah
Sa pedicab ni manong na may butas na payong
Sa paglakas ng ulan
Bumibigay na ang buto, barya-barya'ng pumupuno
Sa sabik at nagugutom na tiyan
Kinakatok-katok nila ang 'yong pintuan
Oras na raw para lisanin mo na rin ang munting palaruan
Nakakatulog ka pa ba?
Hinihintay ka na nila
Ikaw na ang magpapasiya
Kung kakatok sila ay pagbubuksan mo ba?
Imulat na ang 'yong mata
Dahil hinihintay ka na nila
Ikaw na ang magpapasiya
Mas lulunurin mo pa ba o iaahon na sila?
Naririnig mo ba ang mga tao sa labas
Mula sa 'yong bintana?
Huwag kang sasayaw sa tono ng sigaw ng masa
Walang bahid ng ginhawa
Ang pagtangis, humihiyaw, hinihiling na lumitaw
Nawa muli ang pag-asang nawawala
Laman ng alkansiya, sa'n ba napupunta?
Sa pinggan ng masa o pitaka ng nagbubulsa?
Kinakatok-katok nila ang 'yong pintuan
Oras na raw para lisanin mo na rin ang munting palaruan
Nakakatulog ka pa ba?
Hinihintay ka na nila
Ikaw na ang magpapasiya
Kung kakatok sila ay pagbubuksan mo ba?
Imulat na ang 'yong mata
Dahil hinihintay ka na nila
Ikaw na ang magpapasiya
Mas lulunurin mo pa ba o iaahon na sila?
Natatanaw mo ba ang mga tao sa labas
Mula sa 'yong bintana?
Naririnig mo ba ang mga tao sa labas
Mula sa 'yong bintana?
Hinihintay ka na nila
Dahil ikaw na ang magdidikta
Kung sino ang magpipinta
Ng kapalaran, kinabukasan ng bansa
Ha-ah-ah
Ha, ha-ah, ah
Lyrics powered by www.musixmatch.com