Top Songs By Aicelle Santos
Credits
PERFORMING ARTISTS
Aicelle Santos
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Kettle Mata
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Aicelle Santos
Producer
Kettle Mata
Producer
Lyrics
Ang tanging hiling ko lang ay sana ay mapagbigyan
Ang pag-ibig kong ito na para lamang sa 'yo
Tibok at awit ng puso ko ay sana madama mo na
Mga pangarap ko sa 'yo ay sana matupad ko na
Nagawa ko na'ng lahat
Pag-ibig na tunay lamang
Ang tanging alay ng buhay ko
Para sa pag-ibig mo
Dasal sa langit ay ikaw lamang
Diyos ko, sana ako ay pakinggan
'Di na mapakali itong puso
Hangga't 'di ko maialay sa 'yo
Dasal sa langit ay sana lamang
Puso ay kaya pang maghintay
Lahat nito ay para sa 'yo lamang
Diyos ko, sana marinig mo na
Sa bawat araw na lumilipas ay hanap ka
Kailan kaya mayayakap at makapiling ka?
Nagawa ko na'ng lahat
Pag-ibig na tunay lamang
Ang tanging alay ng buhay ko
Para sa pag-ibig mo
Dasal sa langit ay sana lamang
Puso ay kaya pang maghintay
Lahat nito ay para sa 'yo lamang
Diyos ko, sana marinig mo na
Bakit 'di mo 'ko paniwalaan?
Lahat naman ito'y para sa 'yo, oh
Tanging
Dasal sa langit ay ikaw lamang
Diyos ko, sana ako ay pakinggan
'Di na mapakali itong puso
Hangga't 'di ko maialay sa 'yo
Dasal sa langit ay sana lamang
Puso ay payapang maghintay
Lahat nito ay para sa 'yo lamang
Diyos ko, sana marinig mo na
Oh, whoa
Sana'y marinig mo na
Lyrics powered by www.musixmatch.com