Lyrics

Pakiramdam ko ngayo'y laging sabik (laging sabik) Maramdaman ang mga yakap mo't halik (yakap mo't halik) Inaantay ko lagi ang iyong pagbalik Ako'y tinamaan ng lintik Buti nakilala ka Nawala ang lungkot na dala Salamat laging nandiyan ka Binigyan mong kulay ang buhay ko na nalalanta 'Di ba ang sabi mo sa akin, ito'y panghabang-buhay na Pangakong aalagaan at iingatan ka Kasi ang sarap magmahal 'pag alam mong tunay Hindi ka na mag-iisa, sa 'kin 'di mawawalay Lagi ipagpapasalamat, ika'y ibinigay Wagi, 'yan lang ang alam ko at ikaw ang patunay Alaga't asikaso mo lagi sa 'kin Binibigay mo pa pati balat ng iyong Chickenjoy Ang dama ko 'pag ika'y paparating Bidang-bida ang saya, the best sa 'yong piling Wala nang hahanapin pa Marunong dumiskarte, 'di ka lang puro ganda Tiwala sa isa't isa'y mahalaga Suporta sa pangarap hanggang sa maabot ng isa 'Di ba ang sabi mo sa akin, ito'y panghabang-buhay na Pangakong aalagaan at iingatan ka Kasi ang sarap magmahal 'pag alam mong tunay (ooh) Hindi ka na mag-iisa, sa 'kin 'di mawawalay (ah) Lagi ipagpapasalamat, ika'y ibinigay Wagi, 'yan lang ang alam ko at ikaw ang patunay Kasi ang sarap magmahal 'pag alam mong tunay Hindi ka na mag-iisa, sa 'kin 'di mawawalay (ah) Lagi ipagpapasalamat, ika'y ibinigay (ah) Wagi, 'yan lang ang alam ko at ikaw ang patunay 'Yan lang ang alam ko at ikaw ang patunay Ang sarap magmahal 'pag alam mong tunay
Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out