Similar Songs
Credits
COMPOSITION & LYRICS
Jonathan Basilio Rubilla
Songwriter
Lyrics
Ang hirap nang huminga
Nakagapos ang leeg sa iyong mga mata
Sana'y lumipas na
Ba't ka'y nandito pa?
Sa loob ng aking isip, ayokong managinip
Gusto nang umuwi
Gan'yan kapag sawi
Sindi lang nang sindi
Hindi siya nang hindi
Kasi wala man nang onting pag-asa pa
Titigil na ako sa aking pagalala
Eh, ganito 'yun kasi
Ayokong maulit ang dating nangyari
Lagi nalang nabibibitin sa mga pangakong sinabi niya dati
"Wag kang umalis, mahal pa kita", 'Yan ang sabi niya lagi
Kung puwedeng ulitin ang dati, ang dami ko sanang nasabi
Madaling araw na, ba't nandito ka pa sa 'king kama?
Pagkatapos ng gabi makikita ko nalang sa iba ka na pala sumama
Kailangan ko ng kape para magising sa katotohanan
Iniwan ko na sa tabi ang pagsisi
Ba't 'di ka na lang umuwi ('di ka na lang umuwi, 'di ka na lang umuwi)
Sa bawa't segundo ng oras ako ay naghihirap nang huminga
Gusto ko nang mapaisa
Kung puwedeng ako ay bitawan mo na kasi
Ang hirap nang huminga
Nakagapos ang leeg sa iyong mga mata
Sana'y lumipas na
Ba't ka'y nandito pa?
Sa loob ng aking isip, ayokong managinip
Gusto nang umuwi
Gan'yan kapag sawi
Sindi lang nang sindi
Hindi siya nang hindi
Kasi wala man nang onting pag-asa pa
Titigil na ako sa aking pagalala, ayy
Kahit 'di sabihin ay nahalata
Nagbigay ng pahiwatig ang iyong katawan
Mga kilos ng labi ay 'di na katulad
Bukas ang mata pero tila'y nabulag
Puwede magsabi ka ng totoo?
Hirap na hirap na kasi utak ko
Daming problema at 'di makaraos
'Di ko na kaya at sana matapos
Nais gilingin gambala sa gilid
Nais gilingin gambala sa isip
'Di namalayan wala na pala
'Di namalayan na may iba na
Na nagpapangiti at nagpapasaya
Bangag na ang isip at nagpapabaya
Andito pa rin ako at umaasa
Na sana mawala ka na sa aking pantasya
Sana mawala ka na sa aking pantasya (ayy, yuh, ayy)
Ang mistulang liwanag sa 'yo ay nakita
Biglang nawala parang hinangin na kandila
Lumipas ang araw at ang panahon
Ikaw at ako ay hindi na ganon
Ang hirap nang huminga
Nakagapos ang leeg sa iyong mga mata
Sana'y lumipas na
Ba't ka'y nandito pa?
Sa loob ng aking isip, ayokong managinip
Gusto nang umuwi
Gan'yan kapag sawi
Sindi lang nang sindi
Hindi siya nang hindi
Kasi wala man nang onting pag-asa pa
Titigil na ako sa aking pagalala, ayy
Ba't ka'y nandito pa?
Lyrics powered by www.musixmatch.com