Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Angeline Quinto
Angeline Quinto
Lead Vocals
COMPOSITION & LYRICS
George Canseco
George Canseco
Songwriter

Lyrics

Ngayon ang simula ng hiram mong buhay Ngayon, ang daigdig mo'y bata at makulay Ngayon, gugulin mo nang tama't mahusay Bawat saglit at sandali, magsikap ka't magpunyagi Maging aral, bawat mali Ngayon, bago ito ay maging kahapon Ang pagkakataon sana'y 'wag itapon Ikaw, tulad ko rin ay may dapit-hapon Baka ika'y mapalingon sa nagdaang bawat ngayon Nasayang lang na panahon Ituring mo'ng kahapo'y waring panaginip lang Ang bukas, pangitain niyang ganda'y sa isip lang Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang Kay ganda ng buhay, ngayon Sa buhay mong hiram, mahigpit man ang kapit May bukas na sa 'yo'y 'di na rin sasapit Ngunit kung bawat ngayo'y dakila mong nagamit Masasabi mong kahit na ang bukas, 'di sumapit pa Ang naabot mo'y langit na Ituring mo'ng kahapo'y waring panaginip lang Ang bukas, pangitain niyang ganda'y sa isip lang Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang Kay ganda ng buhay, bukas mo'y matibay Dahil ang sandiga'y ngayon Ituring mo'ng kahapo'y waring panaginip lang Ang bukas, pangitain niyang ganda'y sa isip lang Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang Kay ganda ng buhay, bukas mo'y matibay Dahil ang sandiga'y ngayon
Writer(s): George Canseco Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out